z
zeldathemes

Kakapanuod ko lang ng Every Child is Special, katatapos ko lang din magpahid ng luha. Huhu. 

Mula nung mapanuod ko 3 idiots, naging fan na ko ni Aamir Khan, ewan ko.. sa 3 idiots kasi feeling ko ang galing-galing nya, na tuwing iiyak sya; nakakaiyak kasi parang sobrang sincere. Tipong kahit di na lagyan ng musical scoring habang umiiyak sya, nakakaiyak.. nakakadala na. Kaya ilang beses ko pinaulit-ulit ang 3 idiots. Tapos Ghajini. Oo, nagandahan din ako sobra. No wonder Aamir Khan ule e. Feeling ko kahit anong moie nya may sense talaga. Bawal mababaw. 

Tapos eto.. matagal na kong merong kopya nito. Sinearch ko kasi dati mga title ng movies nga ni Aamir Khan, dinowload ko. Tapos meron akong dalawang nadownload bukod sa Ghajini at 3 Idiots na maganda yung mga feedbacks na nakita ko sa net. Tapos ngayon ko lang napanood ng buo tong Every Child is Special. 

Hindi OA pero kapag napanood mo to, andaming realizations. Sa ugali kong to, shet affected na affected ako sa movie. Sobrang ughhh. Halfway palang sa movie pero di ko na makontrol yung luha.  Andaming moments na.. “Shet oo nga” tipong kahit di mo pinagdaanan yun, parang kuhang kuha yung damdamin mo. 

Sa movie sobrang napaliwanag ng hindi lang basta-basta ginamitan ng kung ano-anong positibong salita yung “Every child is special..” Sobrang makabagbag damdamin bawat scene. Para sakin a. Pero seryoso.. Binago nito pananaw ko. Dati matatanda lang naappreciate ko, ay hinde ampangit ng term. Ewan. Parang dati rati, iniisip ko pag lagi ko.. pag yumaman ako, tutulungan ko matatanda. Magtatayo ako ng foundations para sakanila lalo na dun sa mga pinabayaan na, mga ganon. Pero nung napanood ko nagbago e.. Ay di naman totally na nagbago pero naappreciate ko lahat ng bata. Espesyal, abnormal, may kakulangan.. lahat. Dapat pantay-pantay. Kung hindi man sa kakayahan, pero bilang bata.. bilang tao na lang. Bawat isa, may kanya-kanyang abilidad, talento. Bakit kelangan mong ikumpara, o ikumpetensya sa iba. Lalo na sa mga magulang na iniisip na kailangan maging magaling ng mga anak nila para sa kompetisyon sa totoong mundo, balang araw. Bakit nga naman hindi sila mag anak ng kabayo, kung balak nilang makipag karera at kompetensya. Ewan. Hindi talaga Oa pero mga ganitong movie yung dapat pinapanood talaga e, sobrang nakakaamaze. 

Naisip ko tuloy, bakit hindi makagawa ng ganyan ang Pinas ngayon? Lagi na lang tayo nakapokus sa mga love story e. Mga love triangle. Mga kung anu-ano. Uubusin na ata natin lahat ng affair n pwede. Ops. Minsan magtry naman sana ang Pinas ng mas malalalim yung issues, yung hindi puro love. TipoLagi nalang action ang movie pero kelangan exposed ang love story. Horror pero dapat malaki pa rin yung parte ng love-love. Puro love puta.

Affected talaga ako masyado. Haha. 

De, sobrang ganda. Kung di nyo pa napapanood, try nyo :)

1 year ago on October 29th | J | 62 notes