z
zeldathemes
Unofficially Yours.
Love, para tong isang course na tine-take nating lahat. Para tayong estudyante pagdating dito. Minsan, masaya tayo dahil nag eenjoy tayo. Minsan naman boring kaya nagsasawa tayo. At minsan sobrang hirap kaya nakakapagod. Tapos magugulat na lang tayo, sa huli bagsak tayo. Kaya ayun, malulungkot tayo at matatakot umulit dahil baka bumagsak ulit. Pero hindi lahat. Dahil yung mga nagtatagumpay e kadalasan yung mga bumagsak pero hindi natakot na umulit uli. Nagtake pa ng masteral at doctorate pagdating sa pag ibig. 
Yung iba mas pinipiling walang commitment, para walang expectations, para malaya ka pa rin sa kung anong gugutuhin mong gawin sa buhay mo. Pero sino bang makakapag sabi kung kelan ka mahuhulog sa isang tao, sino bang makapipigil sa damdamin mo kung nagmamahal ka na ng totoo? 
Ewan ko kung tamang sabihing wag mong idahilang nasaktan ka na kaya takot ka nang magmahal uli. Dahil wala namang makakapagsabi kung anong pwedeng mangyari sa susunod. Hindi naman laging iiyak ka lang, hindi naman laging sad ang ending. Malay mo diba?
Sabi nga sa movie,
Kung mapapagod at titigil ka sa pagmamahal, pano mo makikita yung taong nakalaan para sayo? At sa oras na makilala mo na sya, dun mo masasabing, “Ahhh kaya pala kami nag split ng ex ko..”

2 years ago on April 20th | J | 116 notes